2 Sep, 2021 → by ClaimboUser715046
Disconnection of Postpaid plan
1
Last Aug 13, 2021 tumawag kami sa hotline para magpa terminate ng contract ang sabi for processing at need lang magbayad ng mga pending balances para maayos na iyong disconnection. Aug 16 ang sabi niyo may pending kaming balance so okay pina credit namin doon sa card ang akala namin okay na nag wawait kami ng call hanggang sa hindi na namin nahintay tumawag ulit kami ng Aug 20 at ang sabi niyo may pending balance na 880.56 kasi ang last na binayaran ay para sa month ng July tapos ang 880.56 ay para sa Aug 1 to Aug 12, kasi Aug 12 ang end of contract. Dumating ang email aug 21, binayaran rin namin kaagad kinabukasan. Ang naka indicate lang sa email mag send ng proof of payment, letter of undertaking and valid id with signature. Comply naman namin lahat ng requirements at ang sabi niyo 2-3 days ang processing. Nag reach out kami sa messenger niyo noong Aug 24 for follow-up pero hanggang ngayon wala parin kaming update sa disconnection. Even emails from your company ay wala. Puro kayo apologies for the inconvenience, sabi niyo 2- 3 days processing pero pang 11 days na ngayon. Pati iyong message niyo last Aug 18 regarding Postpaid network unlocking concern with case ID number na sabi we'll get back to you within 120 hours ay walang nangyari. Ayusin niyo naman